Nakaligtas sa panganib ang isang 86-anyos na nanay makaraan siyang i-hostage ng kanyang 48-anyos na anak na may sakit umano sa pag-iisip sa Lapuz district, Iloilo City nitong Miyerkoles.
Sa ulat, kinuyog ng mga tauhan ng Iloilo City Police Office (ICPO) ang suspek nang tumanggi itong sumuko habang nakapatay ang ilaw at nakatutok ang hawak na kutsilsyo sa ina sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Progreso, Lapuz district bandang alas-3:45 nang hapon.
Ayon kay Police Col. Joeresty Coronica, ICPO officer-in-charge, ito ang ikalawang pagkakataon na binihag ng suspek ang ina. Sinamantala ng mga pulis na pasukin ang bahay habang sumisigaw ang suspek at nalingat sa pagkakahawak sa kanyang magulang.
Hindi naman nasaktan ang mag-ina sa insidente.