WebClick Tracer

Sunday, March 26, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
Abante VISAYAS / MINDANAO

Chairman itinumba ng tandem sa Maguindanao

Patay ang isang kapitan ng barangay matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang riding in tandem kamakalawa ng hapon sa Shariff Aguak, Maguindanao.

Dead on arrival sa pinagsugurang ospital sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa katawan ang biktimang nakilalang si Hadji Basit Zangkala, 57, kapitan ng Barangay Labu-Labu 2, Datu Hoffer ng nabatid na bayan.

Sa ulat na inilabas ni Datu Aguak Municipal Police Station (MPS) chief Police Major Haron Macabanding, naganap ang insidente pasado alas-singko ng hapon sa kahabaan ng Barangay Mother Poblacion ng nasabing bayan.

Napag-alaman na nakaparada ang sasakyan ng biktima sa gilid ng kalsada habang hinihintay nito ang misis na bumili ng bigas nang hintuan ng mga suspek na lulan ng motorsiklo at pinagbabaril.

Matapos na masigurong wala nang buhay ang target ay mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi batid na direksyon habang sinubukan pang isugod sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima pero patay na ito nang idating doon.

Masusing imbestigasyon ang ikinasa ng pulisya sa motibo ng krimen at posibleng pagkilala sa mga salarin. (Edwin Balasa)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on