Good vibes ang hatid ng mga vendor na ito na sinuotan ng underwear ang kanilang panindang piggy!
Ibinahagi ito sa isang Facebook group ng user na si Steph St. Croix kung saan makikita ang dalawang lower body part ng kinatay na baboy.
Ang nasa kaliwa ay nakasuot ng kulay dilaw na panty habang kulay pula naman sa kanan na talaga namang very sexy.
Mapapansin din ang mga customer na tila abala sa pamimili ng kanilang mga baboy.
Humakot ito ng libo-libong reaction at comment mula sa madlang pipol.
Gaya na lamang ni Ehrina Alexandra, “Buti na lang wala akong ganyang kulay ng undies.”
“Pano Ka magsasabi sa tindera? ” Paki bigyan mo nga po ako ng 3kg sa nka panty na red” Ang harsh,” kwelang hirit ni Debbie Ignacio.
“Naumay yung mga bangaw,” komento naman ni Bibz Santos.
“Waw kung ganyan lang eh parang ayoko nang bilhin! Hahaha,” dagdag pa ng isa.
Ikaw, anong magiging reaksyon mo kung makakita ka ng ganito sa pamilihan? (Moises Caleon)