WebClick Tracer

Sunday, March 26, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
LIFESTYLE

Kilalanin: Bebot tinutukso noon, mahusay na lider ngayon

Maliit man sa inyong paningin, malaki naman ang naiambag at nagawa para sa kanyang komunidad. Siya si Rachell Galamay mula Lal-lo Cagayan na bumida dahil sa kanyang pagiging strong sa kabila ng kondisyon.

Kamakailan lang ay napasama siya sa serye ng #EverydayWoman na itinampok ng ‘PIA Region 2’ para sa buwan ng kababaihan.

Paglalarawan sa naturang post, “Isang babaeng kayang manindigan sa mapanghusgang lipunan. Bitbit ang malaking pangarap at dedikasyon sa kabila ng kaniyang sitwasyon.”

Mula pagkabata ay tampulan na umano si Rachell ng tukso at pagkutsa sa mga tao. Madalas na pinagtatawanan ang kanyang kondisyon lalo na ang kanyang ‘height’ na hindi pangkaraniwan.

“Sa mga hamon na kaniyang nalagpasan, natutong tumindig at magsalita para sa kaniyang sarili bibit ang mga pangarap sa buhay. Ginawa niyang inspirasyon ang mga panlalait sa kaniya para lalo pang paghusayan. Ngayon ay bitbit niya ang mga pagkilalang simbolo ng kaniyang katapangan at dedikasyon bilang isang anak, mag-aaral, at isang lider.”

Dagdag pa rito, nagsilbi rin siyang inspirasyon bilang isang lider hindi lamang sa mga kapwa niya may kaparehong kondisyon kundi maging sa komunidad na kanyang pinagsisilbihan.

“Maliit man sa paningin, nakakapuwing din. Kilalanin si Rachell Galamay ang small but terrible, empowered, and strong woman ng Lal-lo Cagayan,” ani pa sa post. (Moises Caleon)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on