WebClick Tracer

Sunday, March 26, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
Abante VISAYAS / MINDANAO

Secretary ni Teves, 5 pa tinuluyan ng CIDG

Sinampahan na ng kaso ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang anim katao na naaresto sa isinagawang raid sa limang bahay ni Negros Oriental 3rd District Congressman Arnulfo Teves Jr. at mga kaanak nito sa nasabing lalawigan.

Sa inilabas na pahayag ng CIDG kahapon, kabilang sa naaresto ay ang secretary ni Congressman Teves na nakilalang si Hannah Mae Sumerano Oray matapos na lusubin ng nasabing unit ng pulisya ang limang bahay sa Basay at Bayawan City sa nasabing lalawigan noong Marso 10 ng taong ito kung saan nakakuha ang pulisya ng ilang malalakas na uri ng baril, mga magazine at mga bala gayundin ang ilang granada na walang kaukulang dokumento.

“Following the said operation, on Sunday (March 12, 2023), the CIDG presented the arrested persons for inquest proceedings before the State Prosecutors of the Department of Justice,” ayon sa CIDG.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act (RA 10591) at Law on Explosives (RA 9516) sina Jose Pablo Gimarangan at Roland Aguisanda Pablio, habang kasong paglabag sa RA 10591 ang isinampa naman laban kina Hannah Mae Oray, Heracleo Sangasin Oray, Rodolfo Teves Maturan, at Joseph Kyle Catan Maturan.

Sa ngayon ang anim na naaresto ay nasa kustodiya na ng CIDG.

“Unfortunately, Congressman Arnolfo Teves Jr., Kurt Mathew Teves, and Axel Teves were not around during the said implementation of the search warrants in their houses,” saad pa ng CIDG.

“However, the criminal complaints against them for violation of RA 10591 and RA 9516 will be filed as soon as possible,” dagdag pa nila.

Sa ngayon ay hindi pa rin umuuwi sa Congressman Teves, isa sa respondent sa isinampang kaso ng CIDG na may kinalaman sa mga serye ng pagpatay sa lalawigan ng Negros Oriental noong 2019. ­(Edwin Balasa)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on