WebClick Tracer

Sunday, March 26, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
Abante VISAYAS / MINDANAO

Mga baboy posibleng sapol ng cholera

Iniutos ni Cebu Governor Gwen Garcia na itigil ang culling activities sa Carcar City matapos magpositibo umano sa African Swine Fever ang mga sample mula sa mga slaughterhouse doon.

Sa isang presscon kahapon, sinabi ni Garcia na ang pagkatay ng walang sakit na baboy ay nagreresulta sa pagkalugi ng mga hog growers.

Naghihinala rin siya sa sinasabing impeksyon dahil ang sinasabing mga kumpirmadong kaso ay nagmula lamang sa mga slaughterhouse at hindi sa masusing pagsusuri ng mga kinauukulang awtoridad.

Duda umano sila na hindi ASF ang tumatama sa mga baboy kundi, posibleng cholera na halos kaparehas din ang sintomas sa ASF.

Ang mga inisyal na aktibidad ng culling ay ginawa na noong weekend sa Carcar City. (Catherine Reyes)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on