WebClick Tracer

Sunday, March 26, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
OPINION

Sandigan ng kababaihan

Ipinagdiwang sa buong mundo ang International Women’s Day noong March 8 bilang pagkilala at pagpupugay sa kakayahan at kadakilaan ng lahat ng mga kababaihan.

Pero dito sa Pilipinas, buong buwan ng Marso ay idineklarang National Women’s Month bilang pagkilala sa karapatan, tagumpay at natatanging katangian ng mga kababaihan pati na ang kanilang kontribusyon sa pag-unlad ng bansa.

Hindi maikakaila na dito sa Pilipinas ay malaki ang naiaambag ng mga kababaihan sa ating mga pamilya, lipunan at sa pagsulong ng bansa at malaking bagay na kinikilala ang kanilang kakayahan.

Sa aking pamilya, bigyang pugay ko lang ang mga kababaihang nakapaligid sa akin. Ang misis kong si Alelee na katuwang ko sa buhay; anak kong si Alexa na patuloy na pinapamalas ang kanyang kagalingan; ang aking ina at mother-in law, mga kapatid na babae, mga sister in-law, mga tiyahin, at mga kasambahay na babae. Mabuhay po kayong lahat! Salamat sa inyo!

Tapos na ang mga panahon na itinuturing ang mga kababaian na anino, tagasuporta o nasa likod lamang mga kalalakihan.

Pero sa kabila nito, marami pa ring mga umuusbong na pagsubok na kinakaharap ang Pilipinas kaya naman pinapalakas ng gobyerno ang mga paraan at kaalaman patungkol sa domestic violence, sexism at iba pang pagsubok na kinakaharap ng mga kababaihan sa araw-araw.

Sa kabila ng pagsusulong ng iba’t ibang grupo at mga mambabatas sa karapatan ng mga kababaihan, madalas pa ring naipapakita sa media na ang mga babae ay “mahina”, at hindi kayang tumindig sa buhay ng walang nakaalalay na kasama o tulong ng mga lalaki.

Kagaya na lamang sa mga programa sa telebisyon, radyo o maging sa internet, palaging ang papel ng mga babae ay pumapangalawa lamang sa mga kalalakihan, kung hindi man ay nasa ilalim ng kontrol ng kanilang mga asawa, o kaya ay dahil sa kawalan ng oportunidad ay pikit-matang kumakapit sa patalim para lamang mabuhay.

Mabuti na lamang at may bagong programa sa telebisyon– ang Cayetano in Action with Boy Abunda o CIA with BA na tumatalakay at nagbibigay ng payong legal sa GMA 7 na pinangungunahan ng magkapatid na sina Senator Alan Peter Cayetano at Senadora Pia Cayetano.

Sa kanilang programa ay nakikita at napapanood ng publiko ang matalinong pagtalakay sa mga problemang idinudulog sa kanila patungkol sa mga kababaihan na nabibigyang-tugon sa programa.

Sa pamamagitan ni Senadora Pia ay nagkaroon ng boses at matapang na naipagtatanggol ang karapatan ng mga naabusong kababaihan, bukod pa sa nabibigyang-representasyon ang mga ito na mabigyang-linaw ang mga isyung nakakabit sa kanila.

Bilang babae at isang ina, nagagawa ni Senator Pia na bigyang-linaw ang damdamin ng lahat ng mga panig sa mga idinudulog sa kanilang programa sa paraang tagos sa puso.

Malaking bentahe rin ang taglay na kahusayan ni Senador Alan sa pakikipag-usap sa mga kababaihan at malinaw na naipapaliwanag ang legal na konsepto ng mga suliraning naidudulog sa kanila sa paraang madaling maintindihan ito ng publiko.

Bitbit ng magkapatid na Cayetano ang talino at malawak na kaalaman sa mga usaping legal upang mabigyang-linaw ang mga isyung pangkababaihan na nangangailangan ng kasagutan.

Sila ang tunay na Kakampi at Sandigan ng Kababaihan dahil nasa puso ng mga ito ang tunay na serbisyo publiko na wala sa ibang public service shows sa kasalukuyan.

Marami ng mga usaping pang-kababaihan ang tinalakay ng magkapatid sa kanilang TV show na CIA with BA na nabigyan ng katugunan gaya na lamang ng kaso ng isang ina na inaabuso ng kanyang asawa at nais makipaghiwalay at maghanap ng trabaho upang magkaroon ng sariling kita at hanapbuhay.

Sa ganitong paraan ay matigil na ang pang-aabuso sa kanya ng asawa na nagawan ng aksiyon ng magkapatid na Cayetano.

Kabilang sa mga kasong natalakay na sa programang CIA with BA ay may kinalaman sa child custody, property rights at suportang pinansiyal sa pamilya — lahat ay sensitibong usapin sa kababaihan na nabigyang-linaw sina Senador Alan at Senadora Pia Cayetano.

Aasahan na na marami pang kasong may kinalaman sa karapatan ng mga kababaihan ang matatalakay sa mga susunod na episodes ng CIA with BA, at kung nais ninyong magkaroon ng katugunan sa mga usaping legal, ugaliing manood sa Payong Kapatid nina Senador Alan at Senadora Pia.

Inierekomenda ko po ang programang ito dahil tumutugon sa reyalidad ng buhay at madaling maintindihan ng mga tao ang mga paliwanag sa mga usaoing legal.

Mapapanood po ang kanilang programa sa GMA-7 tuwing Linggo, 11:30 ng gabi at mayroong replays sa GTV tuwing Sabado, 10:30 ng gabi.

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on