WebClick Tracer

Sunday, March 26, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
OPINION

Kahindik-hindik

Hindi na raw magtataka ang mga tropapips nating kumukuha ng balita sa pulitika kung may mga politikong kakaba-kaba ngayon–lalo na ang mga may banta sa buhay–dahil sa paraan ng ginawang pagtumba kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Aba’y dapat lang na makakuha ng leksiyon ang mga pulitiko sa sinapit ni Degamo na nirapido sa loob mismo ng kaniyang bakuran kahit maraming tao.

Parang may deadline na hinahabol ang mga birador dahil kahit nga may mga inosenteng madadamay, dedma na rin sila basta madale nila sa araw na iyon si Gov. Tanong ng mga tropapips natin, bakit kaya?

Puna ng ilang tropapips natin, kung pagbabatayan daw ang ibang insidente ng pagtumba sa ibang biktima ng asisinasyon, kadalasan daw na ang “target” lang talaga ang pinupuntirya. Sa ilang insidente nga naman ng ambush kapag nasa sasakyan ang biktima, madalas na ang target lang napapatay.

Maliban na nga lang kung may kasamang driver ang target na tiyak na pupuntiryahin din ang driver kung pahihintuin ang sasakyan. O kaya naman eh may kasamang mga bodyguard.

Ngunit kapag ang target lang ang naging biktima sa ambush, sasabihin ng mga awtoridad na “professional” ang mga birador lalo na kung hindi nandamay ng iba.

Pero sa nangyari kay Gov. Degamo, pati ang ilang sibilyan na nasa bakuran ng bahay para makakuha ng ayuda ng lokal na opisyal, aba’y nadamay. At batay sa impormasyon ng pulisya, mga dating sundalo ang mga nadakip na suspek.

Hirit pa ng ilang tropapips natin, bukod sa pagiging “daring” ng mga birador, magpapakaba rin sa mga politiko– at siguro maging sa ilang malalaking personalidad na may death threat– eh papaano sila ngayon makakasiguro na mga lalapit o papara sa kanila na mga nakauniporme ng pulis o sundalo eh tunay na mga pulis o sundalo, at hindi mga birador?

Ang mga bumanat kasi kay Gov. Degamo, pinapasok sa bakuran dahil nagpanggap na mga sundalo. Habang ang mga nanambang naman sa grupo ni Aparri vice mayor Alameda sa Nueva Vizcaya, mga nakasuot naman daw ng pixelized uniform ng pulis.

Sinabi na ng pamunuan ng PNP na hindi mga pulis ang pumatay kay Alameda, at sa lima pa niya kasama. Pero wala pa tayong nababalitaan na nahuling suspek sa kaso ni vice mayor bagaman mayroon na raw persons of interest.

Ang mahirap kasi, bukod sa parang wild-wild west na ang Pilipinas sa dami ng nagkalat na para, kung saan-saan din nabibili ang mga kasuotan na disenyong uniporme ng pulis o sundalo. Aba’y kapag ibinalik ang ROTC, kahit ang mga estudyante, magmumukhang sundalo na naman kapag nagsuot ng fatigue uniform.

Kung hindi pa nagkasunod-sunod ang pag-ambush sa mga politiko, parang hindi maaalarma ang mga awtoridad sa dami ng nababalitang ina-ambush o binabaril sa kalye. Pero ibibida naman ng PNP na bumababa naman daw ang kaso ng patayan sa bansa.

Sabi ng mga tropapips natin, sa nangyaring pagpuntirya sa mga politiko, dapat daw na mga “tunay” na mga birador at mastermind ang mahuli. Dahil kung “fall guys” daw ang makukulong para palabasin na nalutas ang kaso, aba’y asahan daw na lalakas lalo ang loob ng mga tunay na mga birador at kanilang handler. Tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy nyo”

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on