Tila wala sa tamang pag-iisip si Meagan Aguilar habang nagsasalita ito at nag¬lalakad sa kalye. May netizen na nag-upload ng video niya at nagti-trending siya sa TikTok.
Sa video ay tila nagpapahiwatig ito na magpapakamatay at ang amang si Freddie Aguilar talaga ang ina-address niya na matutuwa raw.
“Freddie Aguilar, ama ko, Siguro naman masaya ka na ngayon, ‘di ba? Mamamatay na ‘ko. Tuwang-tuwa ka, ‘di ba?
“Alam kong magpapa-fiesta ka kapag namatay ako. Alam kong ikatutuwa mo ‘yan. Magse-celebrate ka na lang. Hay salamat, patay na ang demonyo.”
Pero tila may banta pa ito na kung mamamatay man daw siya, hindi rin matatahimik ang ama.
Sabi niya, “Akala mo ba mananahimik ka kapag namatay ako? Mananahimik ka? Hindi ka mananahimik. Diretsong impiyerno ko, isasama ko kayo.”
Umiiyak din ito at sinabing lahat na lang daw, tumalikod na sa kanya at, “Pero hindi ko kayo patatahimikin. Kasalanan n’yo ‘to, kasalanan n’yo ‘to.”
Napakaraming mga netizen ang nagko-comment sa video ni Meagan. Karamihan ay naaawa rito, pero halos iisa ang sinasabi, na nasa magbago na siya. Na sigurado raw, hindi rin madali sa ama niya ang nangyayari ngayon sa kanya.
Ipagdasal na lang natin na ma¬ging okay na talaga si Maegan.