WebClick Tracer

Friday, March 31, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Tagahukay ng ginto! Micaela Jasmine Mojdeh, Ethan Waskiewicz mabangis sa languyan

MANINGNING ang kampanya ng Brent International School sa Asia Pacific Activities Conference (APAC) Swimming Championships na ginanap sa Seoul Foreign School swiming pool sa Seoul, South Korea matapos magpakitang-gilas ang kanilang ace tankers na sina Micaela Jasmine Mojdeh at Ethan Waskiewicz.

Kumalawit ang Brent International School ng 10 medalya kabilang ang tigalawang gold medal nina Mojdeh at Waskiewicz.

Nilangoy ni Mojdeh ang girls 100-meter butterfly sa bilis na isang minuto at 4.17 segundo at sa girls 200m Individual Medley sa impresibong 2:22.05.

Sumungkit pa ng dalawang bronze medal si World Junior Championships semifinalist Mojdeh sa girls 100m freestyle (1:00.90) at girls 200m medley relay kasama sina Kirsten Tan, Jira Hedeager at Natalia Javier.

Nakapag-uwi ng ginto si Waskiewicz sa boys 50m backstroke sa naitalang 29.22 segundo.

Nakipagkampihan si Waskiewicz kina Ethan Hodges, Connor Hodges at Yuan Wang para ilista ang 2:00.10 sapat para makopo ang gold medal sa boys 200m medley relay.

Nagdagdag pa si Waskiewicz ng pilak sa boys 100m backstroke (1:07.44) at sa boys 200m freestyle relay kasama ang Hodges brothers at si Wang. (Elech Dawa)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on