WebClick Tracer

Friday, March 31, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
LIFESTYLE

Street vendor noon, angat sa pagiging restobar owner

Sinong mag-aakala na ang nagbebenta lang sa tapat ng kalsada noon ay may-ari na ngayon ng isang restobar!

Siya si Mong Vicente mula Isabela na dating IT employee. Dahil sa hirap ng buhay ay ‘di sumasapat ang kanyang sweldo kaya naman rumaraket din siya sa mga printing at photography.

Isang araw, may isang kaibigan siya na nagpa-shoot sa kanya ng coffee beans na siyang nagmitsa ng interest niya rito.

Kwento niya sa panayam sa show na ‘Pera-Peraan’, “Parang ang sarap ng amoy ng kape nang araw na ‘yon. Wala po akong kaalam-alam sa brewing method, tapos ni-YouTube ko po siya. Nu’ng nalaman ko kung paano magtimpla ng kape na ganun, doon ko po naisipan na ibenta sa daan.”

Kaya naman pagkaraan ay napagdesisyunan niyang magtinda ng kape kung saan pumwesto siya sa paradahan ng jeep sa Marcos Highway.

Nagsimula umano siya rito sa kapital na P3,000. Sa una, ‘di naging maganda ang tugon ng mga tao sa kanyang negosyo. Naging matumal ito. Umabot pa umano sa punto na dalawang baso lamang ng kape ang naibenta nila sa loob ng dalawang linggo.

Dahil dito, naisipan nilang mag-relocate at humanap ng mas magandang pwesto hanggang sa napadpad sila sa Marikina River Banks.

Sabi niya, “Nagulat po kami lumampas na ng P200, P300 ‘yung kinikita namin. Nung araw po na ‘yon masaya po kami kasi from one cup nakaka-sold kami ng 10 cups na.”

Dagdag pa rito, bukod sa ino-offer nilang mainit na kape ay naisipan din niyang gawin itong iced coffee na talaga namang dinumog at pumatok sa mga tao doon. “That time po within three hours ano po P10,000 to P13,000 na po ‘yung kinikita namin,” aniya.

Sa kasalukuyan, mayroon na siyang walong franchise nito na naging resto bar na rin na pinangalanan niya bilang ‘Cityboy Crew’. (Moises Caleon)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on