Laptrip si Vice President Sara Duterte matapos matawag ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang kanyang asawang si Liza Araneta-Marcos na First Lady Imelda.
Sa ibinahaging video sa Twitter ni Politiko reporter Prince Golez, binati ng pangulo sina VP and Education Secretary Sara, dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Speaker Martin Romualdez at ilang miyembro ng kanyang gabinete.
Kasunod nito ay pagtawag ni Pangulong Marcos kay Liza na First Lady Imelda.
Napahagalpak sa tawa si VP Sara, napatingin at napahawak sa balikat ni First Lady Liza.
Pasakalye ito ng pangulo sa kanyang pre-departure speech patungong Japan nitong Miyerkoles (Issa Santiago)