WebClick Tracer

Friday, March 31, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

MMDA sasampolan nag-ala-Pacman na tserman

Determinado ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang isang barangay chairman na sumapok sa kanilang tauhan habang isinasagawa ang clearing operation sa Dagupan Extension sa Tondo, Maynila noong nakaraang buwan.

Ito ang tiniyak ni MMDA acting chair Don Artes sa katatapos na clearing operations sa Dagupan street nitong Martes kasabay ng paggiit na suportado at protektado nila ang kanilang mga tauhan basta nasa katuwiran ang mga ito,

Nitong Enero 24, nagsasagawa ng clearing operation ang MMDA sa Mabuhay Lane sa Dagupan nang tangkain umano ni Barangay 51 chairman Rommel Bravo na pigilan ang tauhan ng ahensya na alisin ang water compressor ng kanyang self-service car wash na ginagamit para pandagdag sa pondo ng kanilang barangay.

Nagkasagutan umano ang dalawa hanggang suntukin ni Bravo ang tauhan ng MMDA Task Force Special Operations and Anti-Colorum Unit.

Sinabi ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Felicito Valmocina na responsibilidad ng mga barangay tserman na panatilihing malinis at maayos ang kanilang mga lugar.

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on