Sa presscon pa lang ni Miss Glenda para sa concert niyang ‘Pinakamakinang Brilliant Concert’ kinikilig na nga siya nang sabihin niyang si Alden Richards talaga ang special guest niya.
At sa gabi nga ng concert sa Araneta Coliseum, ganun na ganun ang nakita ng mga tao sa kanya. Na noong kumanta siya ay biglang sumulpot sa likod niya si Alden.
Kitang-kita nga kung paano magtatalon sa kilig ang CEO ng Brilliant Skin habang papalapit sa kanya si Alden.
Eh, dahil true gentleman naman si Alden, at talagang may paghalik pa sa kamay ni Miss Glenda, kaya lalo ngang kinilig ang negosyante.
Ibang-iba rin ang mga mata ni Alden kapag tumingin sa isang babae, talagang matutunaw ka, ha! Sinsero kasi at lumalabas ang pagiging mabuting tao niya.
At yes, pati ang mga tagahanga sa Araneta ay kinilig nang husto. Wish nga nila, ‘bakit hindi na lang maging kayo’. Napakalakas nang tilian ng mga fan, na akala mo ay may bagong love team na inilunsad.
Anyway, inamin naman ni Miss Glenda na kakahiwalay pa lang niya sa kanyang asawa. At hindi muna ang pakikipagrelasyon ang focus niya.
Message ni Alden kay Miss Glenda, “Ipagpatuloy mo ang ginagawa mo, na pinakita mo sa mga tao na kaya mong maging successful, at marami kang matutunan.”
Well, iba pa rin talaga si Alden! (Rb Sermino)