WebClick Tracer

Friday, March 31, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Marcos target mga investor sa Japan

Tumulak patungong Japan nitong Miyerkoles si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa hanga­ring mapaganda pa ang ugnayan ng dalawang bansa.

Sa kanyang departure speech, sinabi ni Marcos Jr. na itutulak niya ang kooperasyon “where future synergies and complementary interests converge with those of Japan.”

“My bilateral visit to Japan is essential and is part of a larger foreign policy agenda to forge closer political ties, stronger defense, and security cooperation, as well as lasting economic partnerships with major countries in the region amid a challenging global environment,” wika ng pangulo.

Magkakaroon ng pagkakataon si Pa­ngulong Marcos Jr. na makaharap sina Emperor Naruhito at Empress Masako habang hiwalay na pulong naman ang nakatakda kay Prime Minister Fumio Kishida.

Marami ring nakalinyang pakikipagpulong si Pangulong Marcos Jr. sa malalaking negosyante sa Japan para makahikayat ng mas maraming mamumuhunan sa Pilipinas. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on