WebClick Tracer

Friday, March 31, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Jullebee Ranara may relasyon sa killer – recruiter

May relasyon daw ang Pinay domestic helper na si Jullebee Ranara sa 17-anyos na anak ng amo sa Kuwait bago ito pinatay at sinunog sa disyerto noong Enero 22.

Ito ang binanggit ni Atty. David Castillon ng Catalyst International Manpower Services sa Senate committee on migrant workers nitong Miyerkoles, Pebrero 8.

Ayon kay Castillon, nakatanggap sila ng report mula sa foreign recruitment agency (FRA) na si Ranara ay buntis dahil sa relasyon nito sa anak ng kanyang amo. “Ang unang report mayroon silang relasyon,” aniya.

Nakita rin daw nila ang pinost ni Ranara sa TikTok na “Kung masama ang pumatol sa bata, I’m sorry.”

Kinastigo naman nina Senador Raffy Tulfo, Joel Villanueva, Francis Tolentino at Jinggoy Estrada ang nasabing abogado dahil maaaring dinoktor lamang ng FRA ang report tungkol kay Ranara.

“Huwag nating siraan ‘yong patay na,” giit ni Tolentino.

Mariin namang itinanggi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) chief Arnell Ignacio na buntis si Ranara base sa official autopsy ng Kuwaiti government na kanilang natanggap.

Dahil sa natanggap na sermon, binawi ni Castillon ang kanyang pahayag at humingi ng dispensa sa pamilya ni Ranara.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on