INAASAHANG ipapadalang muli ng Philippine tennis team ang parehong grupo ng mga national netter na naglaro sa Hanoi nakaraang taon sa Cambodia SEA Games ngayong Mayo.
Sinabi ni national coach Cris Cuarto na ang koponan sa ilalim ng pangangasiwa ng Philippine Olympic Committee (POC) ay nasa proseso ng pagsasapinal ng kanilang roster para sa kada dalawang taon na torneo na gaganapin sa Mayo 6-17.
Ang pambansang koponan ay binubuo nina Treat Huey, Ruben Gonzales, Francis Alcantara, Jed Olivarez at Jeson Patrombon na nananatiling aktibo para sa pambansang kulay.
Idinagdag ni Cuarto na ang iskolar ng Penn State University na si Miko Eala, kapatid ni Alex, at isa pang scholar ng US College na si Bryan Otico ay isinasaalang-alang din para sa men’s team. (Lito Oredo)