WebClick Tracer

Friday, March 31, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Jalen Hudson, TNT dinungisan Converge

Mga laro Huwebes: (Araneta Coliseum)
4:30pm — Blackwater vs Terrafirma
6:45pm — Meralco vs San Miguel

IBINUHOS ni import Jalen Andreas Hudson ang pinakamataas na 56 puntos upang bitbitin nito ang TNT Tropang Giga sa 128-122 panalo at pagdungis sa Converge FiberXers sa eliminasyon ng 2022 PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum, Miyerkoles.

Nagdagdag din si Hudson ng 12 rebounds, 4 assists, 1 steal at 1 block upang itulak ang Tropang Giga sa pagkapit sa ikatlong pwesto na may kabuuang 4-1 panalo-talong karta, habang pinutol din nito ang apat na sunod na panalo at hinila pababa ang FiberXers sa katulad na record.

Tumulong si Mikey Williams na inihulog ang 11 puntos sa ikaapat na yugto sa kanyang kabuuang 19 kasama ang limang rebounds at dalawang assists kung saan nagawang umalagwa ng TNT tungo sa pagbalikwas sa huling nalasap na kabiguan kontra sa kapatid na NLEX.

Nag-ambag si RR Pogoy ng 18 puntos, 5 rebounds, 1 assist at 1 steal habang nagtala si Paul Varilla ng 12 puntos, 4 rebounds at 1 assist.

Una munang naghabol sa siyam na puntos ang TNT bago nito itinala ang pinakamalaking abante sa 12 puntos sa huling 2:30 mintuo ng laro sa 120-108 mula sa slam ni Kelly Wiliams. (Lito Oredo)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on