Walang bayad ang pagiging tapat. Tulad na lamang ng isang lalaki mula Sultan Kudarat na nagbalik ng napulot niyang bag na may lamang P50,000!
Siya si Antolyn Alvarez, 46-anyos tubong-General Santos City. Nagpupunta lang umano siya sa Tacurong City, Sultan Kudarat tuwing may kailangang i-repair o ayusin dahil ito ang kanyang trabaho.
Kamakailan lang ay nakakita siya ng bag sa isang lamesa. Kwento ni Antolyn sa panayam ng Abante News, “Nilapitan ko po nag antay ako ng mga ilang minuto nagbakasakaling may maghanap, noong aala pong dumating nagpasya na po akong kunina ang bag at dinala ko sa center point school po ‘yung inuuwian ko. Nang bukasan ko po nakita ko pera po Ang laman.”
Tumambad sa kanya ang halos P50,000 at ilang ID. Imbes na magkainteres, tinawagan umano niya ang contact number na nasa bag subalit hindi ito sumasagot hanggang sa napagdesisyunan niyang picture-an na lamang ito at ipost online.
Pagkaraan ay nakita rin umano niya sa post ng aowner nito patungkol sa bag na nawawala.
Aniya, “Bago ko po hinanap sa FB ‘yung may-ari ng bag. Sakto naman po na nakita ko at may post na sya na kung sino po nakadampot ng bag ay paki balik n lang dw… Nakita ko po na may cell # doon sa post nya tinawagan ko po sabi ko huwag po ako mag-alala ako po naksdampot ng bag nyo. Ayon po laking pasalamat po sa akin.”
Dahil sa kanyang katapatan ay binigyan siya ng P5,000 bilang reward at pasasalamat mula sa may-ari nito.
Dagdag pa rito, nakatanggap din ng parangal si Antolyn mula sa kanilang City Mayor. “Ibang kaligayahan po na hindi ko maipaliwanag. Syempre po first time ko makatanggap ng ganoon lalo na galing sa mayor ng Tacurong, Sultan Kudarat. Sobrang saya po,” aniya.
Talaga namang kudos sa kelot na ito! Sa huli patunay lamang ito na honesty is the best policy. (Moises Caleon)