Bongga ang magiging debutante gown ng Sparkle teen star na si Jillian Ward dahil ang designer lang naman ng lava gown ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na si Mak Tumang ang siyang gagawa.
Happy si Jillian dahil pumayag si Mak Tumang na ipag-design siya ng gown sa kanyang debut. Simula raw noong makita niya ang lava gown ni Catriona, alam niyang ang designer na ito ang dapat na kunin niya.
“Ang tagal ko na rin po talagang ina-eye si Sir Mak dahil nga sobrang talented po niya, tapos ang bait pa po niya. Fun fact po, pareho po kaming Kapangpangan, so syempre po, Kapangpangan pride, nakaka-proud din po talaga,” sey ni Jillian na magpi-feeling Miss Universe sa kanyang debut.
Pinaghandaan talaga ng bida ng GMA afternoon teleserye na Abot Kamay Na Pangarap ang theme ng kanyang 18th birthday celebration. Pasabog daw ang theme ng kanyang debut kaya excited daw siya sa araw na iyon.
“Sobrang konti pa lang po ng gumagawa po ng ganitong theme. Kumbaga sa showbiz industry po, parang wala pa po akong nakikita talagang ganito pong klaseng set-up ng debut. Basta po ang goal ko po kasi mag-enjoy po talaga lahat ng guest ko. Yung parang hindi po sila mabo-bore, as in enjoy na enjoy po sila,” sey ni Jillian.
Kahit na sobrang busy ang schedule ni Jillian sa taping, hands on daw siya sa pag-asikaso ng kanyang debut. Siya ang nagtse-check sa mga suppliers at pati na sa kanyang guests list. Umabot nga raw sa 700 ang mga bisita ni Jillian.
Sa kanyang 18 roses, kabilang rito sina Dominic Ochoa, Ken Chan at Alden Richards.
“Nakakatawa nga po kasi si Kuya Alden po nung GMA Thanksgiving Gala pa lang po nung July, kinontrata na po namin siya ni mama,” tawa pa ni Jillian. (Ruel Mendoza)