Aabot sa P326 milyong halaga ng ‘intervention’ ang inilaan ng Department of Agriculture (DA) para sa mga magsasaka ng sibuyas sa bansa.
Sa pamamagitan ng High Value Crops Development Program, itinaas sa P326.97 milyon ang pondo mula sa P69.949 milyon noong nakaraang taon.
Kabilang sa gagastusan ng pondo ay ang onion production support services tulad ng pamamahagi ng binhi ng sibuyas, farm inputs, pagsasaayos ng mga irigasyon, extension support, pagpapagawa ng cold storage, processing equipment, education at training sa mga magsasaka.
Pitong cold storage naman ang itatayo ngayong taon upang mapakinabangan ng mga magsasaka sa Pangasinan, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Bataan, at Occidental Mindoro.
Dagdag ng DA, may kausap na rin umano sila na mga palengke para bagsakan ng mga sibuyas ng mga magsasaka at mga restaurants upang maging buyer ng mga aanihin. (Dolly B. Cabreza)