WebClick Tracer

Friday, March 31, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Contractor tiningga sa katawan, ulo pagbaba ng Pajero

Bumulagta ang isang contractor matapos itong pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin sa harap ng kanyang bahay sa Lemery, Batangas nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa report ng pulisya, malapitang binaril ng suspek na naghihntay sa labas ng gate ng bahay ang 46-anyos na biktimang si Frederick Casalme sa Barangay Mayasang bandang alas-nuwebe ng gabi.

Kakarating lamang umano ng biktima sa harap ng kanilang bahay nang bumaba ito sa Pajero na minamaneho ng kanyang pamangkin upang buksan ang gate.

Doon na ito pinagbabaril ng suspek sa ulo at katawan.

Binaril din ng salarin ang nagmamanehong si Kingjay Casalme Sangalang, 32-anyos.

Tumakas ang suspek lulan ng sumundo ritong motorsiklo patungo sa direksyon ng Tagaytay City.

Tinutukoy na ang motibo sa krimen para matunton ang utak sa pamamaslang. (Ronilo Dagos)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on