WebClick Tracer

Friday, March 31, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

700K nawalan ng trabaho noong Disyembre

Nabawasan ng 704,000 ang dami ng mga taong nagtratrabaho noong Disyembre kumpara sa Nobyembre 2022 at nadagdagan pa ng 43,000 ang naghahanap ng trabaho nitong Disyembre na minaliit naman ng Philippine Statistics Authority at tinu­ring na hindi “statistically significant.”

Ayon kay PSA Undersecretary Dennis Mapa, 49 milyon ang may trabaho nung Disyembre mula sa 49.71 milyon nung Nobyembre.

Nasa 2.22 milyon naman ang dami ng mga naghahanap ng trabaho na walang nakita noong Disyembre, mas marami kaysa sa 2.18 milyon noong Nobyembre, at ang unemployment rate ay bahagyang umakyat sa 4.3% noong Disyembre mula sa 4.2% noong Disyembre.

Sabi ni Mapa, marami ang nawalan ng trabaho sa mga taong edad 35-44 na prime age ng isang worker.

Ayon sa datos ng PSA, sa 704,000 na nawalan ng trabaho nung Disyembre, ang mga nawalan ng trabaho ay mga managers, professionals, technicians, clerical support workers, at craft and related workers.

Dagdag ni Mapa, “ang mga subsector na may pinakamalaking pagbababa sa bilang ng mga may trabaho o negosyo kung ikukumpara ang Dis­yembre 2022 sa Nobyembre 2022 ay ang mga sumusunod: manufacturing, 585,000; wholesale and retail trade at repair of motor vehicles and motorcycles, 387,000; accommodation and food service activities, 240,000, human health and social work activities, 239,000, at real estate services, 168,000.” (Eileen Mencias)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on