WebClick Tracer

Friday, March 31, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Taga-showbiz binasura na: Toni powerful, sosyal mga katropa ngayon

Binasura ni Toni Gonzaga ang friendship niya sa mga dating kaibigan sa showbiz, at pinalit na nga niya ang circle of friends na puro mayayaman.

Hindi basta-basta ang mga kaibigan ngayon ni Toni, kundi talagang may sinasabi sa society at business world, ha!

Sa Instagram ay pinasilip ni Mariel Rodriguez Padilla ang mga larawan kung saan kasama si Toni at ang anak ng negosyanteng si Manny Villar na si Congresswoman Camille Villar. Heto pa, kasama rin ang jeweler na si  Erica Concepcion Reyes, at asawa ni Cong. Mark Villar na si Emeline Aglipay Villar.

Ayon kay Mariel ay lunch date nilang lima ‘yon at pinasalamatan niya si Toni sa isang masayang tsikahan.

Kumpara sa mga dating kaibigang artista ni Toni, ramdam sa aura ng mga nabanggit na apat ang class at mayayaman talaga.

Sabi nga, matengga man ng dalawang buwan o masibak ang show ni Toni sa ALLTV dahil sa poor ratings, siguradong hindi maapektuhan ang friendship nito sa mga nabanggit na yayamanin. (Rey Pumaloy)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on