WebClick Tracer

Friday, March 31, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
LIFESTYLE

Sisig tinamad version, kinaaliwan

‘Yung gusto mo lang i-enjoy ang nabili mong sisig pero iba ang tumambad sa’yo! Umani ng haha react ang kwelang post na ibinahagi ng user na si Carms sa kanyang Facebook account kung saan masisilip ang sisig na tamad version.

Literal na sisig pero tinamad version ang atake nito sapagkat makikita sa picture ang sisig na may itlog pero imbes na nakamix ito sa sisig ay naka-scramble ang style ng luto nito.

“Hindi tinipid pero tinamad,” caption niya sa naturang post.

Sabi niya sa isang panayam, “Nagulat ako kasi hindi hinalo ‘yung egg pinatong lang sya hindi ko na nabalik sa pinagbilhan ko natawa din kasi ako…I think madaming tao sa store nila that time kaya di na napansin ng nagluluto na hindi nya nahalo.”

Bukod dito, humirit din ang mga netizen ng kani-kanilang kwelang sentimento.

Gaya na lamang ni Miles Yumping, ani, “Hahaha baka sisiglog kaya ganyan. ganyan din kasi sa kinakainan namin. sadya nila.”

“Eh buti kung nsa sizzling plate ‘yan maluluto ung hilaw na itlog, eh nka box so magiging hilaw ung itlog unless hinalo na bago ilagay sa box. Ewan bakit pa ba ako nagcocomment dito, pweh,” komento ni Ah Nu Nakee.

“Hindi naman tinamad yan sinipag pa nga kase ibang pagka luto ang Egg,” biro naman ni Al Andrade.

“Toppings talaga yang itlog feel ko hahahhaha,” sabi pa ng isang user.

Talaga namang goodvibes at katakamtakam ang sisig na ito. Ikaw, anong mararamdaman mo kung ganito rin ang tumambad sa sisig na binili mo? (Moises Caleon)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on