WebClick Tracer

Friday, March 31, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
OPINION

Sibuyan, Romblon: ‘Galapagos of Asia’

May mga tropapips tayo na inihalintulad ang mga nagmimina sa lalaking matindi ang tama sa Sibuyan Island sa Romblon na para naman daw isang dilag na “birhen at napakaganda” na gustong simsimin ang bango.

Pero bago ‘yan, nailibing na nitong Linggo sa Las Pinas ang pinaslang na OFW na si Jullebee Ranara, na pinagsamantalahan umano, nabuntis, pinatay at sinunog ng 17-anyos na anak ng kaniyang amo sa Kuwait.

Sa kabila ng napakasakit na pangyayari, malaking tulong sa pamilya ni Ranara para maibsan ang sama ng loob at lungkot ang mga tulong na ibinibigay ng gobyerno at maging ng ibang opisyal, at pribado.

Batay sa mga ulat, bukod sa mga tulong pinansiyal at insurance, may scholarship na matatanggap ang mga anak ni Ranara hanggang sa makatapos sila ng pag-aaral. Sana lang eh huwag sayangin ng mga bata ang pagkakataon.

Bukod doon, sinasabing nabigyan ng bagong bahay ang pamilya ni Ranara. May mga report din na tinulungan daw na maipagawa ang luma nilang bahay sa probinsiya. Sana eh totoo ang mga ito at hindi papogi lang.

Sa kabila ng mapait na nangyari, marahil maiibsan ang lungkot maging ni Ranara kung makikita niya na kahit papaano eh magiging maayos ang buhay ng kaniyang pamilya. Iyon naman ang dahilan kaya nangingibang-bayan ang mga OFW: ang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak.

Sabi ng ilan nating ayudanatics na kurimaw, magandang gawin ang mga ganitong klase ng tulong kahit sa mga OFW na buhay at patuloy patuloy na kumakayod sa ibang bansa. Ibig nilang sabihin, gawing regular ang pagbibigay ng bahay at mga scholarship kahit man lang sa 10 deserving OFWs o domestic helper bawat taon. Bilang pasasalamat nga naman sa kanila na itinuturing mga bagong bayani. Why not nga naman?

Speaking of tulong, humihingi rin ng tulong ang mga taga-Sibuyan, Romblon dahil sa pagpapahintulot ng pamahalaan na magkaroon ng pagmimina sa kanilang lugar.

Ilang dekada na kasing pinupuntirya ng mga mining company ang Sibuyan na mayaman sa mineral gaya ng nickel, chromite, cobalt, at iron.

At kamakailan nga, nagkaroon ng tulukan ang mga pulis at mga nagpoprotesta na humaharang sa mga truck na hahakot ng mineral papunta sa ginawang pantalan kung saan nakatambay ang mga barko.

Panawagan sa pamahalaan ng mga taga-Sibuyan, ibasura o pawalang bisa ang anumang permit na nagpapahintulot na pumutol ng puno, at bumungkal ng lupa sa lalawigan na hitik at mayaman sa mga halaman at hayop kaya binansagan itong “Galapagos of Asia.”

Kilala ang Sibuyan sa bulubundukin nitong Mt. Guiting-Guiting National Park. May mga ibon na dito lang umano makikita gaya ng hanging parrot o “Kulasisi.” Nandoon din ang critically endangered Philippine na Tube-nosed Fruit Bat. Bukod pa sa 700 uri daw ang halaman at 54 ang endemic o doon lang makikita.

Dapat daw na ipatigil ng DENR ang anumang aktibidad ng pagmimina sa isla, at suriin ang pinsalang idinulot na nito sa kalikayan. Kahit nga raw ang ginawang pantalan eh bara-bara. Ang problema, balitang malakas ang backer ang mga minero kahit pa itanong sa mga mambabatas na pumupormang maka-masa at makakalikasan. Laging Tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy nyo”

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on