WebClick Tracer

Friday, March 31, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Heli bucket operation nilatag ng PAF sa Parañaque fire

Ginamit ng Philippine Air Force (PAF) ang kanilang Super Huey aircraft para magsagawa ng heli bucket operation sa naganap na sunog sa isang imbakan ng kahoy sa Parañaque City nitong Lunes.

Ayon kay PAF Chief Public Affairs Office Col. Ma Consuelo Castillo, tinulungan ng kanilang aircraft ang mga bumbero upang lubusang mapatay ang sunog na tumupok sa imbakan ng mga kahoy sa Dr. A. Santos Avenue, Barangay San Antonio Sucat, Parañaque na umabot sa Task Force Bravo.

Tinatayang nasa P20 milyon ang halaga ng mga nasirang ari-arian sa insidente.

Sumiklab ang sunog sa barracks ng mga empleyado pasado alas-11:00 ng gabi at naapula ito bandang alas-siyete ng umaga. Gayunman, sa sobrang lawak ng lugar ay hindi ito lubusang nakontrol at naideklarang fireout.

Samantala, sinabi ni Castillo na nakahanda sila sa oras ng emergency upang tumulong sa mga biktima ng kalamidad.

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on