WebClick Tracer

Friday, March 31, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Empleyado dinampot sa pangungupit, pagbulsa ng suweldo

Arestado ang isang 28-anyos na administrative staff ng isang kompanya matapos mabuking na kasama sa listahan at kinokolektahan pa rin niya ng suweldo ang mga empleyadong hindi na nagtatrabaho sa nasabing tanggapan sa Bacoor City, Cavite.

Kasong Qualified Theft ang kinakaharap ng suspek na si Christopher Mangampo Ludovice, empleyado ng Romadina G Cruz Enterprise at residente ng Riles Makinabang sa Baliuag, Bulacan.

Sa reklamo ni Romadina Guttierez Cruz, may-ari ng kompanya, 56-anyos at residente ng Teresa Park Subd, Pilar, Las Piñas City, natuklasan niya ang pandaraya ni Ludovice nang siya mismo ang nagpasuweldo sa mga empleyado. Nabisto niya na naka-payroll pa rin ang ilan sa mga ito kahit wala na sa kanyang kompanya.

Hindi naman tinukoy sa ulat kung magkano ang naibulsa ng suspek.

Dahil dito, agad na ipinadampot ang suspek bandang alas-tres ng hapon sa loob ng tanggapan ng kompanya sa 266 Pieces St.,Camella Homes 2 Salinas 3, Bacoor City, Cavite. (Gene Adsuara)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on