WebClick Tracer

Friday, March 31, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
LIFESTYLE

Bagong kasal nakamotor sinuyod ang traffic

Ngayong papalit na ang Araw ng mga Puso, tiyak na mapapasana all ka rito!

Ibinahagi ni Dee Alberto sa Facebook ang isang kakaibang larawan na nagsabog ng good vibes. Aniya, “Sana ol nakakahabol sa Feb. 14, ay lab it.”

Sa sobrang busy ng kalsada ng Ermita, Manila dahil sa traffic ay pumukaw sa atensyon ni Dee ang bagong kasal na couple habang nakasakay sa isang motor. Makikita ang bride suot ang puting dress habang bitbit ang kanyang bouquet.

Habang nakasakay sa isang motor-taxi, nakita ni Dee ang eksena at kinunan ng picture dahil ‘di umano siya madalas nakakakita ng ganitong eksena sa mga tipikal na araw.

Umani ito ng libo-libong likes and shares online. Nag-iwan din ang mga netizen ng kani-kanilang komento.

Para kay Cheijoe Vinsonbarias, “Ganyan ang mayayari sa sa 14 ang kasal ko.”

“Cutieee nyooo Best wishes lovebirds!” sabi naman ni Quennie Joyce Gayosa Emboltorio.

“Wow! Sana all na lang talaga. Ako dito pabulok na hahaha!” hirit pa ng isang netizen.

Nag-comment din sa naturang post ang couple sa larawan. Ito ang newly-wed couple na sina Lexter Dela Torre at si Redj Genesis Garcia na ikinasal noong ika-2 ng February. (Moises Caleon)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on