WebClick Tracer

Friday, March 31, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
OPINION

Tatak Compañero at Compañera

Bibihira na lamang sa mga panahong ito ang mga public service program sa radyo at telebisyon na may kinalaman sa usaping legal dahil natuon ang pansin ng publiko sa mga programang pampulitika, entertainment, pangkalusugan at iba pa.

Kaya naman nitong Linggo, Pebrero 5, 2023 ay inilunsad sa GMA-7 ang programang “CIA with BA” o Cayetano in Action with Boy Abunda, kung saan nagsama sa isang programa ang magkapatid na Senators Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano at ang “King of Talk” na si Bor Abunda.

Layon po ng programa na magbigay ng libreng legal na serbisyo sa publiko, lalo na sa mga walang kakayahang kumuha ng serbisyo ng abugado upang matulungan sa mga usaping legal at mabigyan ng solusyon ang mga mabigat na problemang dinadala ng ating mga kababayan.

Sina Kuya Alan at Ate Pia para sa mga hindi nakakaalam ay mga batikang abugado at mga mambabatas at malawak ang karanasan at kaalaman sa batas kaya malaking bagay sa publiko ang konsepto ng kanilang bagong programa sa telebisyon.

Sa pamamagitan ng kanilang programa sa telebisyon ay maipapaabot sa masa ang mga mahalagang isyung legal na maaaring kapulutan ng aral ng mamamayan.

Sa pamamagitan ng “CIA with BA” ay muling makikita ang kalibre ng mga Cayetano na madalas ay sa loob lamang ng Kongreso at Senado natin sila nakikitang aktibong umaaksiyon sa mga gawaing mambabatas.

Kung matatandaan po ninyo, ang kanilang namayapang ama na si Senador Rene Cayetano ay nakilala bilang “Compañero” dahil sa kanyang sikat na TV at radio program kung saan nagbibigay ito ng libreng payong legal sa publiko at maraming natulungan sa kanyang programa.

Ang konseptong ito ang titutuloy ng magkapatid na Cayetano kaya naman aasahan ang tatak- Compañero at Compañera na public service sa telebisyon.

Hindi po maaaring isantabi ang mga isyu at kaalamang legal kahit pa moderno na ang panahon dahil iba pa rin ang pananaw at isip ng mga batikang abugado kumpara sa mga modernong aplikasyon o ang tinatawag na “artificial inelligence”.

Bagamat ang pananaw ngayon ng mamamayan ay isang pindot na lamang sa Google ang mga nais malaman sa isang isyu o bagay, hindi po tayo nakakasigurong siyento porsiyentong tama ito dahil sa dami ng websites na susulpot sa isang pindot lamang.

Hindi po sinabi ni Google na lahat ng mga nakikita at nababasa ay tama dahil sumasabay sa modernong panahon ang mga fake news sa internet kaya malas lang kung ito ang natiyempuhan.

Iba pa rin kung mismong ang mga batikan sa batas at usaping legal ang mapapanood at mapapakinggan dahil maipapaliwanag ng husto kung ano ang legal na isyung tinatalakay at mas madaling maintindihan ito ng mga tao.

Umeera ang programa nina Kuya Alan at Ate Pia tuwing Linggo ng gabi (11:30pm) kung saan may mga segment ito gaya ng “Payong Kapatid” na magbibigay ng payo sa dalawang partido, at susundan ng “Case 2 Face” kung saan tutulungan ng mga ito na makapag-usap at magkasundo.

Sa programa pa lamang ay sisikaping malutas na ang isyung legal upang hindi na ito kailangang humantong pa sa demandahan at korte.

Bukod sa kaalamang legal, magkakaroon ng aktibong interaksiyon sa “CIA with BA” dahil sa segment ng “Mariteam” na kakatawanin ng iba’t ibang professionals na magbibigay ng kanilang opinyon sa tinalakay na isyu.

Siyempre, hindi dapat kalimutan na kasama si Boy Abunda sa programa kaya aasahang magiging maganda ang balitaktakan sa kanilang programa.

Mayroon ding segment sa programa ng magkapatid na Cayetano na “Salamat” kung saan kikilalanin at magbibigay -pugay sa mga taong gumawa ng mabuti para sa kapwa.

At bago magtapos ang bawat episode ng programa ay magbibigay ng pampasaya sa pamamagitan ng “Alan,Pia, Pik!” at “Pag-Asa” kung saan bibigyan ng premyo ang mga mananalong viewers ng programa. O di ba ang saya!

Sabay-sabay po nating panoorin ang bawat episode ng programang ito nina Kuya Alan at Ate Pia para makilatis natin ang importansiya ng mga payo at karunungang iiwan sa publiko.

Para sa akin, kung maipapaliwanag nila ng mabuti ang batas at mga usaping legal sa paraang maiintindihan agad ng publiko, masasabi kong tagumpay ang kanilang programa. Congrats Senador Alan at Senadora Pia Cayetano sa inyong bagong tv program!

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on