Zero COVID-19 case na sa lalawigan ng Guimaras habang isang aktibong kaso lang ang naitala sa Capiz hanggang noong isang linggo.
Ayon sa Department of Health (DOH), walang naiulat na panibagong kaso ng COVID-19 sa Guimaras simula noong Enero 30, 2023 samantalang isa ang naitala sa Capiz noong Huwebes ng nakaraang linggo.
Kinilala ni Capiz Gov. Fredenil ‘Oto’ Castro ang pagkakaisa ng mga lokal na pamahalaan para maiwasan ang pagkalat ng virus gayundin ang pagsunod ng lahat sa health protocols, pagpapabakuna at booster.
Sa ulat ng DOH hanggang nitong Pebrero 2, may 1,495 aktibong kaso ng COVID-19 sa Region 6 at 1,082 rito ay sa Iloilo province; 299 sa Negros Occidental; Iloilo City, 71; Bacolod City, 21; at Aklan,Antique at Capiz na may tig-isang kaso.
Nabatid na 50.77% ng mga active case ay asymptomatic; 40.60% mild; 6.62% moderate; at 2.01% ang severe.