WebClick Tracer

Friday, March 31, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
Abante VISAYAS / MINDANAO

11K sako ng puslit na sibuyas sa Zambo, ibinaon

Sa halip na ibenta o ipamigay, ibinaon ng Department of Agriculture (DA) ang 11,000 sako ng puslit na sibuyas sa Zamboanga City.

Isinagawa ito sa compound ng research center ng DA sa Zamboanga City noong Sabado.

Ayon kay Bureau of Plant Industry (BPI) quarantine officer Florelei Mariano, kailangang agad na sirain o ibalik sa lugar na pinanggalingan ng kontrabando ang mga nasasamsam na agricultural product.

Paliwanag niya, hindi maaaring ibenta sa merkado ang mga nasamsam na sibuyas dahil walang kakayahan ang BPI sa Zamboanga na suriin ang antas ng pesticide content ng ganitong kalaking bulto.

Iniiwasan lang din aniya nila na mahawa ng peste ang ibang agricultural product sa bansa sakaling may dalang ibang sakit ang mga sibuyas.

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on