WebClick Tracer

1 kilometrong pabitin bida sa Negros Oriental

Paborito mo rin ba ang mga pabitin sa mga birthday party noon? Kung oo, siguradong kagigiliwan mo ang mga ibinahaging larawan ni Shailyn Mae Torres Tabon mula Negros Oriental.

Ito ay ang annual na selebrasyon ng Children’s Festival sa Tanjay City, Negros Oriental tuwing huling araw ng buwan ng Enero. Ang pista na ito ay bilang pagbibigay ng papuri at pagpapasalamat sa kanilang patron na Señor Sto. Niño.

Isa sa mga pinagkakaguluhan at pinakaabangan nilang event ay ang 1 kilometrong haba ng pabitin na may taas na humigit-kumulang 7 – 10 feet.

Makikita sa mga larawan ang iba’t ibang uri ng tsitsirya at snacks na nakasabit dito. Ang pabitin na ito ay bukas sa publiko na nais makisali sa agawan at sungkitan sa ere.

Talaga namang bakas ang excitement at galak sa mukha ng mga mamamayan ng Tanjay sa mga pictures na tila napagplanuhan na ang kanilang strategy upang makarami.

Sa kabilang banda, inulan din ito ng samu’t saring komento mula sa mga madlang pipol.

Gaya na lamang ni Cha Ann G. Samin, ani, “Marsy okay to ha, pipitas lang tayo ng pulutan hahaha.”

“Tapos may malakas nahangin tatangayin ang mga nakalambitin,” komento naman ni Phil Ahm.

“Focus lang sa goal,” sabi ni Eugene Cananan.

“Sana all may libre chichirya hahahhaha makadayo nga,” saad pa ng isang netizen.

Talaga namang kakaiba ang bawat ganap ng mga probinsya sa kani-kanilang pagdiriwang ng pista. Anu’t ano pa man, kalakip nito ang mayamang kasaysayan, at makulay na kultura’t tradisyon ng kanilang lugar. (Moises Caleon)

TELETABLOID

Follow Abante News on