WebClick Tracer

Friday, March 31, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
Abante VISAYAS / MINDANAO

Human barricade nilatag sa Sibuyan Island 2 sugatan

Dalawa ang sugatan nang subukan ng mga residente ng Sibuyan Island sa Romblon na harangin ang mga mining truck sa pagpasok sa pribadong daungan.

Makikita sa ibinahaging video sa Twitter ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ang pagharang ng mga residente sa mga truck bilang protesta sa operasyon ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) pero itinutulak silang palayo ng mga pulis.

Tatlong truck na may kargang nickel ores ang nakalusot sa ikinasang human barricade ng mga residente nitong Pebrero 3.
Pinapalagan ng mga residente ang operasyon ng nickel mining sa lugar dahil sisirain nito ang tinaguriang ‘Galapagos of Asia.’

Ayon kay Donato Royo, opisyal ng barangay sa lugar, sinikap nilang harangin ang pagpasok ng mga truck pero hindi sapat ang kanilang dami kaya naitulak sila ng mga pulis.

Kumbinsido rin ang environmentalist na si Rodne Galicia na may sabwatan sa pagitan ng mining firm, pulisya at mga local politician kaya napasok ang kanilang lugar.

Iginiit ni Royo na tutol sila sa paghuhukay ng nikel sa kanilang lugar dahil wawasakin nito ang kapaligiran kabilang ang Mt. Guiting Guiting Natural Park at iba pang pinagkukunan nila ng kabuhayan.

Dagdag niya, tama at lehitimo ang ginawa nilang barikada dahil iligal ang nasabing operasyon bunsod ng kawalan ng permit sa local level. (Issa Santiago)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on