WebClick Tracer

Friday, March 31, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
Abante KARTADA

Retiradong heneral kapit-tuko sa kampo

kartada

Sino raw itong retiradong heneral ang ayaw pa rin umalis sa kampo ng militar kahit matagal na siyang wala sa serbis¬yo?

Tsika ng ilang impormante, ayaw daw bakantehin ng retiradong heneral ang nasabing property kahit matagal na siyang pinaaalis dito.

Ang ibang mga kapitbahay niya, nilipat na sa isang military facility sa Central Luzon pero itong si Tatang, mukhang hindi tinatablan ng kahihiyan.

Aba’y dapat sigurong tumakbong politiko itong si sir dahil masasabayan niya ang ibang mambabatas na makakapal din ang mukha at mga buwaya sa pera.

Ayaw daw bitawan ni Tatang ang nasa¬bing property dahil sa laki ng halaga nito per square meter lalo pa’t nakatirik ito sa financial district ng Taguig City.

Mukhang gustong tumiba ni retired general sa nasabing property, aba’y hindi yata nakuntento sa nakuhang P14 milyong lump sum pensyon, bukod pa sa P2 milyon kada taon.

Ang classic nito, hindi na nakatira ang kanyang asawa at mga anak sa kampo dahil nag-migrate na ito sa lupain ni Uncle Sam.

Clue. Kapangalan ni retired general ang isang Hollywood star na mahilig sa bardagulan.

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on