WebClick Tracer

Friday, March 31, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Maynilad putol suplay sa Parañaque

Bunsod ng matagal nang malabo ang tubig dala ng amihan, nagpatupad ng water service interruption ang Maynilad Water Service Incorporated sa limang barangay sa Parañaque City.

Sa Facebook post ng Parañaque Public Information Office (PIO), mula alas-6:00 nang umaga (kahapon) hanggang alas-11:00 nang gabi ng Linggo ay putol ang serbisyo ng tubig sa mga barangay BF Homes sa Mashville, Don Bosco, Marcelo Green, San Antonio at San Martin de Porres.

Ang mga residente sa Brgy. BF Homes ay nagsimulang makaranas ng water service interruption alas-10:00 nang umaga at tatagal ng alas-11:00 nang gabi ng Enero 29.

Humihingi ng paumanhin ang Maynilad sa mga apektado kasabay pagpapakalat ng mga mobile water tanker na maghahatid ng maiinom na tubig sa mga apektadong lugar. (Betchai Julian)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on