Tinatayang aakyat ng hanggang P99 ang kada 11 kilogram ng liquefied petroleum gas (LPG) sa susu¬nod na linggo.
Sa ulat tataas ng mula P8 hanggang P9 per kilo ng LPG sa Miyerkoles, Pebrero 1.
Ang big-time LPG hike ay dahil umano sa pagtaas ng presyuhan sa pandaigdigan merkado.
Maliban sa LPG ay tinatayang tataas din sa Martes, Enero 31 ng mula P1.20 hanggang P1.50 kada litro ang gasoline at mula P.70-P1.00 per liter sa diesel, ayon sa ilang oil companies.
Maging ang kerosene ay tataas din ng P1.10-P1.40 per liter.