Tiwala ang Philippine National Police (PNP) na muling nabubuksan ang paglilitis sa kasong kriminal ng Dacer-Corbito double murder case kasunod ng pagkakadakip sa dating pulis na kabilang sa mahigit 20 katao na kinasuhan sa pagdukot at pagpatay sa publicist at driver nito noong 2000.
‘This is what we expect that, as soon as former SPO1 William Reed 3rd is turned over to the issuing courts, the criminal case will proceed accordingly,; ani PNP spokesperson Col. Jean Fajardo.
Matapos ang 22 taon na pagtatago sa batas, dinakip si Reed sa Barangay Poblacion sa Pulilan, Bulacan nitong Enero 22. Nakaditine ito sa Regional Special Operations Group (RSOG) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan Taguig City.
“The ball will be in the hands of the court on how to proceed with the case,’ dagdag nito.
Dinukot sina Dacer at Corbito sa kanto ng South Superhighway at Zobel Roxas st. sa boundary ng Maynila at Makati City noong Nobyembre 24, 2000. Natagpuan ang sunog nilang mga bangkay sa isang creek sa Indang, Cavite noong Abril ng 2001. (Edwin Balasa)