Mahigit 4.1 milyong mahihirap na senior citizen ang makakatanggap ng P12,000 bawat isa ng kanilang social pension sa taong ito dahil sa implementasyon ng Republic Act 11916, ayon kay Senador Sonny Angara.
Bilang chairman ng Senate Committee on Finance, sinabi ni Angara na may kabuuhang P50 bilyon ang inilaan sa ilalim ng P5.268 tril¬yong General Appropriations Act para sa social pensions ng mga senior citizen.
Saklaw ng naturang halaga ang 100 porsyen¬tong dagdag sa buwanang pensiyon – na magiging P1,000 mula sa dating P500 sa ilalim ng RA 11916 o batas na nagtataas sa social pension ng mga mahihirap na senior citizen.
“Siniguro natin na mapopondohan sa 2023 budget ang pagtaas sa monthly social pension ng ating mga indigent senior citizens. Sinulong natin ang dagdag sa pension nila lalo na at ang mga lolo at lola na makikinabang dito ay wala talagang ipon o sustento galing sa kanino man,” sabi ni Angara. (Dindo Matining)