WebClick Tracer

Friday, March 31, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Dasal hindi bash hiling ng kaanak sa missing Cessna plane

Nakiusap sa publiko ang isang kaanak ng mga pasahero sa nawawalang Cessna 206 RPC1174 na tulungan silang ipagdasal na matagpuan na ang mga ito sa halip na i-bash sila at magkalat ng fake news sa social media.

Ayon kay Anna May Kamatoy, sumasabog na ang utak nila sa pag-aalala kaya sana ay tulungan na lang silang manalangin para sa kaligtasan ng anim na pasahero, dalawa rito ay kanyang anak at kamag-anak ang dalawa pa..

“Please huwag nyo ng dadagdgan ang nararamdman naming sakit kasi prayer lang kailangan namin hindi pangbabash nyo, hindi iyong gusto nyo magpasikat,” ani Kamatoy sa isang radio interview.

Umalis ang Cesna plane sa Cauayan Airport ng alas 2: 15 ng tanghali noong Martes at ganap na alas 2:19 ng tanghali ang huling contact nito sa air traffic controller habang nasa paligid ito ng Naguillian Bridge.

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on