WebClick Tracer

Friday, March 31, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Big time tulak timbog sa P13.6M ‘tobats’

Timbog ang isang big time na tulak ng droga habang nasa dalawang kilo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P13.6 milyon ang nakumpiska dito sa isinagawang buybust operation ng awtoridad sa Consolacion, Cebu noong Huwebes.

Hindi na nakapalag nang dakmain ng pinagsanib na puwersa ng Consolacion PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-7) ang suspek na si Lunicito “Looney” Labitad, 38, sa Sitio Upper Bagacay, Barangay Tayud bandang alas 11:35 ng gabi.

Ayon kay Police Lt. Col. Mark Lester Eteroza, hepe ng Consolacion PNP, kabilang si Labitad sa Top 10 regional priority target ng unified PNP-PDEA.

Sa kanilang imbestigasyon, lumitaw na supplier ng shabu si Labitad sa buong rehiyon ng Central Visayas.
Inaalam na aniya nila kung saan ito kumukuha ng malaking bulto ng shabu na kanyang ibinibenta sa rehiyon.(Edwin Balasa)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on