Sino raw itong retiradong heneral sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nameke ng dokumento para makakuha ng US citizenship ang kanyang misis at mga anak?
Ayon sa ilang Marites sa AFP, itong misis ni heneral, pinakasal daw sa isang Fil-Am US Navy upang sa gayon ay maging citizen ito ng Amerika.
Palabas lang daw ang kasalang ito dahil siyempre, si general pa rin ang tunay na mister at puwedeng sumiping sa kanyang esmi.
Noong maging US citizen si kumander, aba’y sunod na nitong pinetisyon ang kanyang tatlong anak pati na ang kanyang momshie.
Inunggoy daw ng mag-asawa ang gobyerno ng Amerika as in “matalino man ang matsing, naiisahan din.”
Naiwan sa Pilipinas si general para kumayod, siyempre malaking datung ang kailangan niyang ipadala para mabuhay ang kanyang misis, tatlong anak at biyenan sa Amerika.
Kapag uuwi naman sa ‘Pinas si misis, hatid-sundo pa raw ito ng mga magagarang sasakyan ng gobyerno, aba’y kasuwerte naman ng mga ito.
Hindi naman daw pang-Gilas Pilipinas ang track record ng heneral dahil palagi itong bangko, as in nasa opisina lang pero dahil sa impluwensya ng kanyang batch sa Philippine Military Academy ay kasama siyang umangat ang ranggo.
Clue. Ang retiradong heneral ay may kapangalan sa showbiz industry na kilalang babaero.