WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Mga mall operator kasado sa BSKE

Balak ng Commission on Elections (Comelec) na payagan ang pagdaraos ng botohan sa mga mall para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, mismong ang mga mall operators ay bukas din sa naturang ideya.

“Patuloy po at napaka­init talaga ng pagtanggap po ng mga mall sa atin pong idea na yan, sapagkat sa kasalukuyan po ay binibigyan din po niya tayo ng mga espasyo para sa ating satellite registration at saka registration anywhere project,” ayon kay Garcia.

Nabatid na posibleng magsagawa muna sila ng pilot test sa ilang mall sa Metro Manila upang malaman kung maaari ba talaga itong maisagawa sa 2023 BSKE.

Sinabi ni Garcia na mainam na makapagdaos rin ng halalan sa mga mall dahil mas maluwag doon, mas kumportable at mas nakatitiyak sa seguridad ng mga botante.

Ipinaliwanag ni Garcia na tanging ang mga residente ng mga barangay lamang na malapit sa malls ang papayagang bumoto doon bilang pagtalima sa Omnibus Election Code. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on