WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Joel Villanueva winakwak sa Sogie Bill

Usap-usapan ngayon sa social media ang ibinahaging post ng isang netizen na nagsasabing gumagawa ng hakbang ang tanggapan ni Senador Joel Villanueva para maharang ang pag-usad ng panukalang batas upang ipagbawal ang diskriminasyon sa mga indibiduwal base sa kanilang sexual orientation, gender identity and expression (SOGIE).

Sa pinost ng isang Miss Mela Habijan, ipinakita nito ang screenshot ng mensahe umano galing sa tanggapan ng senador na kumakalampag sa mga pastor na tumulong para labanan ang SOGIE bill.

Sa huling larawan, makikita na nakalagay dito ang email umano ni Sen. Villanueva kung saan maaaring ipasa ng mga pastor ang pagtutol. Si Sen. Villanueva ay anak ng founder ng Jesus is Lord Church na si Cibac Party-list Rep. Eduardo ‘Bro. Eddie’ Villanueva.

Sa hiwalay na mensahe ay binanggit ni Miss Mela na may plano umano si Sen. Villanueva na ibalik sa committee level at ihalo sa ibang panukalang batas ang SOGIE bill. Ang naturang panukala ay nakapasa na sa committee level noong Disyembre 6, 2022

Nanawagan din ito kay Se­nate President Juan Miguel Zubiri na bigyan ng prayoridad ang SOGIE bill dahil ito ay para umano sa mga biktima ng karahasan diskriminasyon, pamamahiya at pangungutya dahil sa kanilang kasarian at pagkatao.

“At kay Sen. Villanueva, masakit ang palagian ninyong pagtutol sa SOGIE Equality Bill. Sampu ng iyong ama, sinasangkalan ninyo ang relihiyon para kamuhian, pandirihan, at isadlak sa diskriminasyon ang LGBTQIA+ community,” banat ni Miss Mela.

Maging si singer-songwriter Ice Seguerra, binatikos ang mga hakbang para maharang ang pag-usad ng nasabing panukala. “Ang pagbabalik sa committee ng SOGIE Equality Bill para maging parte ng iba pang bill o komite ay paglusaw at pag-delay nito. Tama na ang delaying tactics. Tama na ang pasikot-sikot. Senators, stop hiding and stop delaying. I-plenary na ang SOGIE Equality bill,” ani Seguerra.

Tumanggi namang magkomento si Villanueva sa mga paratang sa social media sa pagsasabing kahit ano ang kanyang sabihin ay hindi naman siya paniniwalaan ng grupong ito.

Gayunman, nagbahagi ito ng mga screenshot ng libo-libong mensahe mula umano sa mga indibiduwal, pastor, imam, pari at mga bishop hinggil sa posisyon nila sa SOGIE bill.

Nagpadala rin ng position paper ang Philippine Council of Evangelical Churches, na pinirmahan ni Bishop Noel Pantoja, national director, na naglalaman ng kanilang observations at komento sa Senate Bill 139 na umano’y nagtatakda ng “uncons­titutional excessive fines and cruel punishment.”

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on