WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Ivana sumuko, ‘di kinaya hubaran sa Japan

Pahinga muna si Ivana Alawi sa paghuhubad sa social media.

Nasa Japan kasi siya at kasama ang buong pamilya.

Super lamig nga kasi sa Japan ngayon, at hindi niya kayang maghubad sa pictorial niya para sa IG. Kaya ang mga post ni Ivana sa Instagram ngayon ay balot na balot ang kanyang buong katawan.

Sa pinoste nitong larawan para i-update ang kanyang mga fan, naka-jacket ito at hawak ang isang red roses.

Imposibleng mag-bikini shot si Ivana at baka mangatal ang buong katawan niya sa lamig.

Pinagsusuot nga ni @mariadell0208 si Ivana ng down jacket o winter coat dahil sobrang lamig ng panahon sa Japan at sa mga susunod pang araw.

Pero knowing Ivana baka mailusot pa rin nya ang pagpu-pose ng sexy o bikini sa Japan, dahil ang paghuhubad niya ang talaga namang inaabangan ng kanyang mga tagahanga sa social media.

Ang ilan sa mga conservative fan ni Ivana, mas pinupuri nila ang beauty nito ngayong nakadamit. Sawa na yata sila sa paghuhubad ni Ivana.

Ang dami ring mga Pinoy sa Japan ang nagri-request na makita siya ng personal.

Reyna ng mga meme: Janine pinaglaruan sa social media

Nagsisimula pa lang ang seryeng “Dirty Linen” pinasisikat na agad ng mga netizen ang bida nito na si Janine Gutierrez.

Pinag-tripan si Janine ng mga fan at ginawan ng kung anu-ano meme ang mga larawan niya na kuha mula sa sa guesting niya sa ASAP.

Ito ‘yung shot ni Janine na nakatagilid sa photo na nagpapakita ng mataas na slit ang gown at nakataas ang isang kamay.

Binahagi ni Janine sa Instagram at Twitter ang parehong larawan na nasa loob ng bagon ng LRT, nasa loob ng bus na nakahawak sa hand rail, nasa taxi station na pumapara ng masasakyan, nasa kalye hawak ang ibinebentang balloons at nasa magulong kitchen na may subtitle na “Dirty Kitchen”.

At maging sa tindahan ay dinala rin ang photo ni Janine na bumibili ng kung anong item.

“’’Y ung gusto mo lang naman mag-promote ng #DirtyLInen pero kung saan saan ka nakarating,” sabi ni Janine, na tinawag na ngayong bagong reyna ng mga meme.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on