WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Cha-cha lalarga sa Kamara

MAGSASAGAWA ng deliberasyon ang House committee on constitutional amendments ngayong Huwebes, Ene­ro 26, kaugnay ng mga panukala at resolusyon na nananawagan na amyendahan ang 1987 Constitution.

Ang pagpupulong ng komite na pinamumunuan ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ay magsisimula ng alas-9:30 nang umaga.

Batay sa agenda, tatalakayin ang House Bill 6698 at ang House Bill 4926 na akda ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na nananawagan ng Constitutional convention kasunod ang House Bill 4421 na naglalayong magpatupad ng pagbabago sa presidential succession.

Susunod sa agenda ang Resolution of Both Houses (RBH) numbers 1, 2, 3, 4, at 5 na nanana­wagan ng pag-amyenda sa iba’t ibang probisyon ng Konstitusyon at House Joint Resolution 12 na nananawagan din ng Con-con. (Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on