Pinulong ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang mga opisyal ng Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) upang alamin ang status ng mga panukalang batas na prayoridad ng gobyerno.
Sa ginanap na pulong sa Malacañang, tiniyak ng presidente na pag-iibayuhin pa ng kanyang tanggapan ang koordinasyon at suporta sa PLLO upang mas mabilis ang pagsasaayos sa mga usapin na nais iparating ng Malacañang sa Kongreso.
Binigyang-diin ng pangulo sa pulong na dapat ay nagkakaisa ang galaw ng pamahalaan para maisulong ang mga panukalang batas na pakikinabangan ng mamamayan.
Kasama sa mga dumalo sa pulong na ipinatawag ng pangulo sa Malacañang si PLLO Chief Mark Llandro ‘Dong’ Mendoza kasama ang iba pa nitong opisyal.
Dumalo rin sa pulong sina Special Assistant to the President Anton Lagdameo at Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil. (Aileen Taliping)