WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

7 pang sundalong dawit kinasuhan ng murder: Ex-PSG chief utak sa tinodas na modelo

Pormal nang sinampahan ng kasong murder ang mga suspek kaugnay sa pagkakapaslang sa modelong si Yvonnette Chua Plaza sa lungsod ng Davao noong ika-28 ng Diyembre ng nakalipas na taon.

Ayon sa link analysis na iprinesenta ng Special Investigation Task Force ng Philippine Army na humawak sa kaso nito itinuturo ng mga ebidensya si 1001st Brigade Commander BGen. Jesus Durante III bilang mastermind sa krimen. Si Durante ay ang dating Presidential Security Group (PSG) commander ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Crime of passion ang nakitang motibo ng mga awtoridad sa likod ng pagpaslang.

Dagdag pa sa lumalabas na im­bestigasyon, bina-blackmail pa umano ni Durante ang respondent sa kaso dahil umano sa impormasyon na ang biktimang si Chua ay may nalalamang sensitibong impormasyon tungkol kay Durante. Malakas din aniya ang hawak na ebidensya ng mga ito lalo na ang statement ng mga testigo laban kay Durante.

Maliban kay Durante ay inihayag din ng SITG na pitong sundalo pa ang lumalabas na may kinalaman sa pagpaslang kay Chua na kabilang ngayon sa sinampahan ng kasong murder. Mga miyembro ang mga ito ng Army 1001st Infantry Brigade, na pinamumunuan ni Durante.

Sumuko na ang mga ito ayon kay Region 11 Police Chief B/Gen. Benjamin Silo. Sa ngayon ay ni-relive na ng Philippine Army si Durante.

Nauna nang itinanggi ni Durante ang mga paratang pero wala pa itong komento sa isinampang murder case. (Catherine Reyes/Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on