WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

TNT import Jalen Hudson bibinyagan kontra Phoenix

Mga laro ngayong Miyerkoles: (Smart Araneta Coliseum)
3:00pm – Blackwater vs NLEX
5:45pm – TNT vs Phoenix

MAGBIBINYAGAN ang mga bagong bihis na TNT at Phoenix Super LPG sa nightcap ng PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum ngayong Miyerkoles.

Mag-focus muna si Chot Reyes sa Gilas Pilipinas na sasabak sa FIBA World Cup sa August, si team manager Jojo Lastimosa muna ang magtitimon sa Tropang Giga.

Makakatuwang ni Jolas si Serbian Slavoljub Lale Gorunovic.

First timer sa liga ang import ng TNT na si Jalen Hudson, bumalik na rin sa team si Justin Chua.

Kasama ni Chua si Paul Varilla na nanggaling ng NLEX, dumaan sa Phoenix bago napadpad sa Tropa para kina Raul Soyud at JJay Alejandro.

Binigay ng Fuel Masters sina Sean Anthony at Jake Pascual sa Road Warriors para kina Chua at Varilla.

Binalik ng Fuel Masters sii Du’Vaughn Maxwell, replacement import nila sa parehong torneo noong isang taon.

Sa likod ni Maxwell ay naungusan ng Phoenix ang NorthPort sa battle for 8th bago sinipa ng Magnolia sa isang laro lang sa quarters.

Si dating top deputy Jamike Jarin na ang coach Fuel Masters, humalili kay Topex Robinson bago ang season-ending conference. (Vladi Eduarte)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on