Inaasahan ng Department of Information and Technology (DICT) na hihina ang bentahan ng SIM card dahil sa pagpapairal ng SIM card registration law.
Sa isang press briefing nitong Martes, sinabi ni DICT Secretary Ivan Uy na higit 20 milyong mobile user na ang nagparehistro ng kanilang SIM.
“On the commercial side, ‘yong mga reseller, ‘yong mga distributor ng SIM cards, since nag-announce tayo nito, bumagsak ang bentahan nila ng SIM cards. Dahil dati, itong mga scammer, iyong nga sindikato, bili nang bili ng SIM cards, tapon, SIM card, tapon. Ngayon ‘di na nila magagawa ‘ so bumagsak ngayon ang bentahan ng SIM cards, which we actually anticipated that will happen,” lahad ng kalihim.
Aniya, karamihan ng benta ngayon ng SIM ay mula sa mga biyahero at turistang dayuhan. Sa kabila nito, umaasa silang aabot ng 100 milyon ang marerehistrong SIM pagsapit ng Abril. (Prince Golez/Aileen Taliping)